Bad Luck Jeep

July 22 2009
nung araw ng longest solar eclipse in the century (sabi nila)
ay nasakyan ko ang pinaka malas na jeep pauwi from school.
hindi lang ako ang minalas kundi lahat halos ng pasahero sa loob.
iba ibang klase ang kamalasang natamo namin.
ang natamo kong kamalasan ay magaan lang. natisod lang ako sa
kahon na nakaharang sa daan sa loob ng jeep ng isa pang pasahero.
ok lang, may poise parin ako. nag sorry naman un may ari ng kahon at
kinarga na lamang nya ang kahon. ang takbo ng aming jeep na nasakyan ay parang
space shuttle sa enchanted kingdom, maraming beses muntikan nang mabanga.
sa daan, tatlong scenario ng banggaan ang nasalubong namin. lahat grabe. may mga nag aaway
at iba pa. mainitin pa ang ulo nung malas na driver ng malas na jeep.
limang pasahero ang lumagpas sa bababaan nila, dalawa sa kanila halos isang kilometro ang
lagpas dahil bago lang ata sila sa maynila ( ung may ari ng kahon and company )
tapos yung magboypren nag mamadaling bumaba ng jeep, naiwan nung lalaki ung nokia nseries
nya. kinuha nung mamang mukhang di mapagkakatiwalaan. well di ko na kinibo dahil gustong
gusto ko nang bumabasa jeep na yon. haaays buti na lang tisod lang nagyari sakin.

2 Comments:
napakapositive mo pala. ^_^ maganda yun. pero para sa akin, malas talaga sa area na yan ng manila.
For realz?? Grabe naman yon... oo nga buti natisod ka lang haha.
Post a Comment
<< Home